Pagpapatawad ng Dios
Masasakit na salita ang laging sinasabi ng isang babae sa kanyang mga magulang noong bata pa siya. Hindi niya inakala na iyon na pala ang huling pagkakataon na makakausap niya sila. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapatawad ang kanyang sarili. Nagsisisi pa rin siya sa pagkakamaling iyon.
Lahat tayo ay may mga pagkakamaling pinagsisisihan. Pero sinasabi sa Biblia kung paano…
Iligtas ang Kontrabida
Sikat na sikat ang mga kuwento tungkol sa superheroes. Noong taong 2017 lamang, anim na pelikula tungkol sa superhero ang kumita ng malaki sa takilya. Pero bakit kaya nahuhumaling ang mga tao sa mga kuwento ng superhero?
Siguro, dahil may pagkakatulad ang mga kuwentong ito sa kuwento ng pagliligtas ng Dios. Sa kuwento kasi ng mga superhero laging may isang tagapagligtas,…
Pag-aayuno
Sinabi ng aking mentor na maganda raw na paraan ang pag-aayuno para mas maituon ko ang aking atensyon sa Dios. Pero hindi naging madali para sa akin ang magtiis ng gutom. Nahirapan din ako na manangan sa Banal na Espiritu para magkaroon ng kapayapaan, lakas at lalo na ng pagtitiis. Napaisip tuloy ako kung paano kaya nagawang mag-ayuno ni Jesus sa…
Inaasam
Ang Ode Maritima ay isang tula na isinulat ng Portuges na si Fernando Pessoa tungkol sa pier. Sa tula, ang pier ang sumasagisag sa nararamdaman o inaasam ng mga tao. Lubos ang nararamdaman nating lungkot kapag may mahal tayo sa buhay na umaalis o nawawalay sa atin tulad ng pag-alis ng barko. Nalulungkot din tayo kapag may mga pangarap tayo sa…
Sa Huling Sandali
Minsan, kinailangan akong isugod sa ospital. Bago maisara ang pinto ng ambulansya, tinawag ko ang aking anak. Kausap niya noon sa telepono ang aking asawa. Sinabi ko sa kanya, “Pakisabi sa nanay mo na mahal na mahal ko siya.”
Dahil maaaring iyon na ang huling sandali ng aking buhay, gusto kong ipaalam sa asawa ko kung gaano ko siya kamahal. Iyon…